Paghahawi ng Tabing ng Panandang Pangkasaysayan
Sa pagdiriwang ng ika-200 taong anibersaryo ng Akademya ng Pampangangalak at-Pandagatan Ng Pilipinas, isang pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ang ginanap. Natunghayan sa araw na ito ang Paghahawi ng Tabing ng Panandang Pangkasaysayan sa Pavilion de la Castellana, Intramuros, Manila. Sa pook na ito sa Calle Cabildo, na dating kinatatayuan ng gusali ng Consulado de Comercio, unang itinatag ang Philippine Merchant Marine Academy, na orihinal na pinangalanang Escuela Nautica de Manila, sa bisa ng real decreto ni Haring Ferdinand VII ng Espanya na naglalayong humubog ng mga marinong may sapat na husay at kaalaman sa nabigasyon noong Enero 1, 1820. Pormal na binuksan ang klase noong 5 Abril 1820. Kabilang sa mga unang mag aaral dito ay ang kilalang pintor na si Juan Luna Y Novicio na nag-aral noong 1869 – 1872. Ang Paghahawi ng Tabing ng Panandang Pangkasaysayan ay pinangunahan nina Tagapangulo Rene Escalante at Ginoong Alvin Alcid ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Punong Lungsod Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng Lungsod ng Maynila, Commo Joel Y Abutal, Pangulo ng PMMA, Administrador Guiller Asido ng Intramuros Administration, at Pangulo ng Pavilion de La Castellana Ginoong Andres Chua. Isang pagsaludo sa Philippine Merchant Marine Academy at sa lahat ng mag-aaral na naging produkto nito! Patuloy kang maglayag sa dagat ng Kawastuhan, Kababaang-loob, at Kagitingan! Mabuhay!